Saturday, January 09, 2010
Deboto
No more appropriate time to introduce Tagalog in my posts than now. Yesterday, mom and me went to quiapo church to hear mass on the last day of the novena to the Black Nazarene. We chanced on Bishop Teodoro Bacani officiating the mass and I like what he said.
Sabi niya, may dalawang klase daw ang deboto ng Nazareno. Una, and deboto sa Imahen ng Nazareno na dumarating lamang tuwing piyesta at nakikihila sa lubid at kailangang makalapit at makapunas sa imahen. Ang ikalawa ay ang deboto sa Nuestro Padre Jesus Nazareno mismo. Mga taong nanalig kay Cristo, dumadalangin at nakikinig sa mga pangaral niya.
Paano nga ba maging tunay na deboto sa Nuestro Padre Jesus Nazareno? Tanong ni Bishop Bacani: "Ano ba ang ginawa ng Poong Nazareno para sa atin? Hindi ba pinasan niya ang krus ng paghihirap para sa ating lahat?" It goes to say that if we are the real kind of devotees, we try to emulate his example and carry others crosses and not give our brothers and sisters crosses to carry for us. People who get drunk become crosses to the wives they go home to, to their families who have to take care of them. People whose cigarette smoke become a burden to their neighbors. Wiping handkerchiefs and professing faithfulness to the Image of the Black Nazarene doesn't compare to people who live their lives like him.
Nuestro Padre Poong Nazareno, Hari ng Langit, Aming Tagapagligtas, maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya. Ipinananalangin ko po Nuestro Padre Poong Nazareno na sa taong ito iligtas niyo po ang inyong mga deboto sa kapahamakan. Samahan niyo po sila sa paglalakbay para gunitain ang inyong kalbaryo. Gabayan niyo po ang mga magiging pinuno namin para maging katulad niyong maging magandang halimbawa sa amin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment